Bumababa pa rin ang water level ng Angat Dam dahil na rin sa nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.

Sa pagbabantay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, nasa 188.81 meters ang antas ng tubig ng dam nitong Linggo ng umaga, mas mababa kumpara sa naitalang 189.17 meters nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ng PAGASA, bumaba nang husto ang tubig ng dam dahil nasa 212 meters ang normal high water level (NHWL) nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nasa 90 porsyento ng supply ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam.

Nagbabala pa ang ahensya na posibleng bumaba pa ang lebel ng tubig ng dam sa mga susunod na araw dahil sa bihirang pag-ulan na epekto ng El Niño.