Lima ang nasawi sa bansang China matapos manalasa ng isang tornado sa Lungsod ng Guangzhou nitong Sabado, Abril 27.

Sa ulat ng Associated Press, inihayag ng China Meteorological Administration na humagupit ang tornado sa Baiyun district ng Guangzhou dakong 3:00 ng hapon.

Bukod sa limang nasawi, nasa 33 katao rin ang nasugatan dahil sa naturang sakuna, ayon sa isang opisyal ng Xinhua News Agency.

Samantala, 141 factory building din umano ang nasira ng tornado.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Dagdag pa ng ulat, noon lamang buwan ng Setyembre ay dalawang tornado ang nanalasa sa Jiangsu province sa eastern China kung saan 10 umanong katao ang nasawi.