Patuloy pa rin daw na nilalapitan ng mga tao si dating Manila Mayor Isko Moreno kahit wala na siya sa politika ayon sa anak nitong si Joaquin Domagoso.
Sa latest vlog kasi ni showbiz insider Ogie Diaz noong Biyernes, Abril 26, tinanong niya si Joaquin kung ano raw ang hindi nagbago sa kaniyang ama pagdating sa pakikitungo ngayong wala na ito sa posisyon.
“I don’t know how but parang nai-involve pa rin siya sa politics kahit ‘di na siya [politician]. Maraming pumupunta pa rin sa office nanghihingi ng advice kay Papa ko,” saad ni Joaquin.
“May mga tao na business owner, may mga politician, alam nila ‘yong thinking and talino ni Papa. Na [...] kahit wala na siyang kapangyarihan or what, sila po ay respectful pa rin, nakikiusap pa rin kay Papa,” aniya.
Dagdag pa ni Joaquin: “Kasi his power naman wasn’t the reason why people like him, e. It’s ‘yong smart niya, ‘yong decision-making niya. He’s very helpful.”
Matatandaang kumandidato si Isko bilang pangulo noong Halalan 2022 pero hindi pinalad na manalo. Bago pa man ito, nagsilbi siyang mayor ng Maynila sa loob ng tatlong taon.