Ibinahagi ng Sparkle artist at anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso ang na-realize niya simula noong isilang ang kaniyang panganay.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Biyernes, Abril 26, sinabi ni Joaquin na nauunawaan na raw niya ang sakit na dulot sa isang magulang kapag dinidisiplina ng mga ito ang kanilang anak.

“Na-gets ko na ‘yong sinasabi ng Papa ko na parang siya ‘yong nasasaktan kapag kailangan niyang magalit sa amin. Nasasaktan siya. Kasi kailangan niyang magalit para maturuan kami,” pahayag ni Joaquin.

“Kasi before I thought iniisip ko lang: ‘No, my parents just take away all the fun away from my life. They don’t care about me.’ Gano’n,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “But as I grow up and now I’m already a parent, I’m understanding the pain. Na parang kailangan kong i-discipline ‘yong anak ko. Kailangan ko siyang turuan nang ganito.”

Matatandaang noong Hulyo 2022 ay kinumpirma ni Isko sa isang artikulo ng Modern Parenting na isa nang ganap na ama ang kaniyang anak na si Joaquin.

MAKI-BALITA: Joaquin, 20, isa nang ganap na ama, pagkukumpirma ni Isko Moreno

Samantala, sa isang panayam naman noong Pebrero ay inamin ni Joaquin na nakaramdam siya ng takot at pressure sa pagiging ama.

MAKI-BALITA: Joaquin Domagoso sa pagiging ama: ‘Natakot ako kasi who am I? I’m so young’