Umabot sa ‘extreme danger’ level ang heat index na naranasan sa Iba, Zambales nitong Linggo, Abril 28, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, naitala sa Iba ang heat index na 53°C.

Ito na raw ang pinakamataas na heat index na naitala ng PAGASA para sa taong 2024.

Ayon sa PAGASA, maaaring malagay sa “extreme danger” level ang mga heat index na nasa 52°C pataas dahil malaki umano ang tsansa rito ng “heat stroke.”

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR2piFN_kph_C_6nMUHuk5lxbjszsoUmOEcrf0XllRJmCj6SpZrGx0xdrWY_aem_ASSDVbzs93CQupqJNkq1n2B3BxGXZpS8AGh_rXc0PQmSyOnl4qJzpHCKlWI_aE8XqnsdZQ6m72c3P1Mm7U48btlm