Bilang guro at propesyunal sa larang ng pagtuturo at edukasyon na batid ang tungkol sa "classroom management," hindi ka papayag na "paiyakin" ka ng mga estudyante mo lalo na kung dahil ito sa pagpapasaway o pambabastos nila sa loob ng klase.

Ngunit sa karanasan ng guro ng Social Science na si "Jehu Laniog," ang pagluha niya dahil sa estudyante ay hindi sa mga nabanggit na dahilan, kundi dahil sa mensaheng ipinadala nito sa kaniya.

"Pinaluha ako ng estudyante ko ngayong araw. Sa ganitong mga pagkakataon ko mas nabibigyan ng halaga ang pagtuturo," mababasa sa Facebook post ni Laniog.

Aniya, laman ng mensahe ng guro ang pagpapasalamat sa kaniya sa lahat ng mga naituro niya at natutuhan nito sa kanilang klase.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

"Sapat na sa akin ang pagmumuni-muni ng mga estudyante na posible ang mas mabuti na mundo, na mahanap nila ang pagiging tao sa isang hindi makataong lipunan."

"Excited ako para sa natitirang pagkikita ng klase sa mga susunod na araw," aniya pa.

Kalakip ng post ang screenshots ng mensaheng ipinadala sa kaniya ng estudyante. Sa kabuuan ng post, nagpapasalamat ang estudyante sa guro dahil hindi lamang nito itinuro ang mga aralin kundi ipinaunawa rin sa kanilang ang pagtulog, pagpapahinga, o kahit ang simpleng pagkain lamang ay kasinhalaga rin sa pag-abot ng dream o mga pangarap, na hindi dapat isakripisyo lalo na sa panahon ngayon na tila mabilis at pinabibilis na ang lahat.

Noon daw ay nakaramdam ng guilty feeling ang estudyante kapag aksidenteng nakatulog, napahaba sa oras ng kain, o nagtagal sa banyo lalo na kapag maraming nakabinbing gawain para sa school requirements.

Para sa estudyante, isang magandang karanasan ang naging klase nila sa Social Science 12, dahil sa mga napagtanto niya sa klase ni Laniog.

"What an experience---the unbecoming due to the colonial perception of success, and becoming again through the prioritization of my humanness," saad ng estudyante.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Laniog, sinabi niyang siya ay bago pa lamang sa pagtuturo sa Ateneo De Manila University, at kabilang sa Department of Sociology and Anthropology.

Ibinahagi ni Laniog kung ano ang naging dulog o approach niya sa pagtuturo, na sa palagay niya, ay mabisa sa mga klase niya.

"At the start of the semester, I let students decide the class rules: what is allowed and not allowed, I'll review their recommendations and negotiate a common ground between me and them. I want students to feel that they also have power in my classroom and that we are in a democratic space where opinions should be shared. I believe that people, regardless of their socio-economic and socio-cultural background can contribute to our discussions."

"Because they decide what the rules are, they are bound to follow it. I also mentioned that it’s possible to negotiate our rules in class, given that they can collectively agree about it."

"During class lectures and discussions, I try and connect it back to their lived reality: how do social systems affect their daily life? How does their positionality affect their perception of reality? And how can they contribute to the possibility of change."

Aniya pa, hindi raw siya nagpapa-quiz o exam sa klase. Ginagawa niya ito sa ibang paraan.

"We don't have quizzes or exams in class. They submit reading responses and 'tweets' every week and for their finals, we do UnEssay Project Presentations. There are things that an exam or quiz cannot capture. And from my own experience, allowing students to reflect on my lectures, class readings, and class discussions is more fruitful and liberating for them."

Mayorya raw ng kaniyang mga estudyante ay mga iskolar.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 5.8k reactions at 4k shares ang nabanggit na Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!