Yumanig ang isang 4.5-magnitude na lindol sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga, Abril 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:05 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 62 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 9 kilometro.
Naiulat ang Intensity II sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.
Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.