Sa Batangas, isang footbridge o overpass na may disenyong asotea o balkonahe ang umagaw sa pansin ng mga netizen matapos itong ibahagi ng gurong si "Jojo Anicito Suarez" nitong Biyernes, Abril 26.

Kung titingnan ang asotea, para itong bahay sa makalumang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Ayon naman kay Teacher Jojo, para itong balkonahe sa Kabanata 7 ng walang kamatayang nobelang panlipunan ni Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere," nang magkita at magsuyuan ang magkasintahang sina Don Crisostomo Ibarra at Maria Clara.

"Noli Me Tangere - Kabanata 7: 'SUYUAN SA OVERPASS'" mababasa sa caption ng Facebook post.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"Kabog yung overpass, parang anytime bubukas yung bintana at may sisigaw na 'Punitin ang sedulaaaaaa...'"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nawawalang bahagi ba ito ng Noli Me Tangere?"

"Diyan magandang magpasuyo hahaha."

"Naku dalian ang panghaharana at baka masagasaan ng e-trike."

"Pagdaan mo diyan paglabas mo makikita mo na ang Gomburza hehe"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Jojo, sinabi niyang hindi edited at totoo raw ang nabanggit na nirerenovate na footbridge na nasa tapat mismo ng University of Batangas.

"Sa tapat po ng University of Batangas po 'yan sa Hilltop, Batangas City hehe," aniya.

Nadaanan lang daw niya ang nabanggit na estruktura at nagandahan siya rito kaya kinuhanan ng larawan.