Nakakaloka ang kumakalat na "conspiracy theory" patungkol sa trending at number OPM song ngayon sa Spotify na "Pantropiko" ng all-female group na "BINI" dahil tila isinisisi sa hit song kung bakit napakainit at napakaalinsangan ng panahon ngayon.

Ang BINI ay binubuo ng walong binibini na sina Jhoanna, Maloi, Aiah, Gwen, Mikha, Sheena, Colet, at Stacey.

Ang siste, kaya napakainit daw ng panahon ngayon ay dahil sa nabanggit na awitin na pumupuri daw sa demonyo.

Batay sa kumakalat na post ng netizen na si "Jayson Laniba," binigyan niya ng pagpapakahulugan ang "Pan" at "Tropiko" na pamagat ng kanta.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Kaya talaga mainit ngayon kasi ang kantang Pantropiko ay Satanic," mababasa sa kaniyang post.

"According to Greek mythology, Pan is the god of the wild, and takes the form of a goat."

"A study by Wiljebrand (2023) discusses how Christ is depicted in the gospel of Mark chapters 6 & 9 and how Pan is Satan and is the antagonist of Christ."

"Tropiko means tropical."

"Kaya ang pagkanta at pagsayaw raw sa trending dance steps ng Pantropiko ay tila nagtatawag daw ng mainit na temperatura. Isa pa, layunin daw ng BINI na gawing "hottest summer destination" ang Pilipinas na batay naman sa naging panayam sa kanila ng isang magazine.

"Singing and dancing to the tune of Pantropiko summons Pan (Satan) to the realms of tropical countries like Philippines, resulting in hotter temperatures, similar to that of hell. In fact, it has been the aim of BINI to make the Philippines the hottest destination this summer, which is why we are experiencing El Niño."

"However, if we do simple things like planting trees, then we will not experience drought, right? So if we start now, we will achieve La Niña. Thank you."

Ang huling pangungusap ay mula sa kontrobersiyal at viral na sagot ng isang kandidata sa Q&A ng isang beauty pageant na umere sa ABS-CBN.

Paglilinaw naman ni Laniba, ito ay nakita lamang niyang post sa X at masasabing biro lamang ng kung sinuman ang gumawa ng original post.

Umabot sa 14k reactions, 5.3k shares at 1k comments ang nabanggit na post.

"Lol mga comments nakakaloka halatang di binasa yung post or walang reading comprehension 🤣

Imagine these are the same people who voted last election or will be voting on the next one. Wala nang Pag-asa ang bansang to 😭," aniya matapos kuyugin ng ilang negatibong komento dahil dito.

Malinaw na "satire" o satiriko lamang ang claim na ito.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang "Pantropiko?"

Ang salitang "Pantropiko" ay binubuo ng dalawang yunit ng salita o morpema na panlaping "pang" na naging pan, at salitang-ugat na "tropiko" (Pang + Tropiko = Pantropiko).

Ang "tropiko" ay tumutukoy sa mga dalawang lokasyon ng lugar sa mundo: ang Tropiko ng Cancer at ang Tropiko ng Capricorn. Ang Tropiko ng Cancer ay matatagpuan sa bandang hilaga ng ekwador, samantalang ang Tropiko ng Capricorn naman ay matatagpuan sa bandang timog ng ekwador. Ang mga ito ay imaginary lines sa globo. Ang ekwador naman ay linyang naghahatid sa gitna ng globo, na imaginary line din.

Ang mga lugar na nasa loob ng mga tropiko ay kilala sa kanilang mainit na klima dahil ang araw ay tumatawid direkta sa itaas ng mga ito tuwing tag-init. Ito rin ang mga lugar kung saan madalas makita ang mga tropikal na kagubatan at biodiversity. Ang Pilipinas ay kabilang sa Tropiko ng Cancer. Ito ay nasa hilaga ng ekwador, kaya't maaaring makaranas ng mainit at maalinsangan na klima, lalo na tuwing tag-init.

Sa kanta, gumamit ng tayutay na simile o pagtutulad upang ilarawan ang nadarama ng persona para sa lalaking bumihag sa kaniyang puso, na inihambing niya sa init na dulot ng summer sa islang pantropiko, gaya ng Pilipinas, na isang kapuluan o arkipelago. Sa mas malawak pang pagtanaw, maaaring ito ay tumutukoy rin sa pagmamahal sa Pilipinas bilang bansa, dahil sa pagha-highlight sa "islang pantropiko."

Bawat araw, mas sumasaya magmula nang nakita ka

Nawawalan ng pangangamba 'pag ika'y kapiling na

Feels like summer when I'm with you, parang islang pantropiko

Can't wait to go back with you sa islang pantropiko

Pantropiko, pantropiko, oh

Sa islang pantropiko (oh, oh-oh, oh)

Pantropiko, pantropiko, oh

Sa islang pantropiko...

Samantala, ang salitang "BINI" naman ay mula sa salitang "binibini" na panukoy sa dalaga o babaeng Pilipina (katumbas ng "Miss" sa wikang Ingles).

Kung susuriin ang kabuuan ng liriko, wala namang masama o wala namang bahid ng pagiging "satanic" ang kanta, hindi ba?