Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas mula sa magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Bonin Islands, Japan nitong Sabado ng hapon, Abril 27.

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol sa Bonin Islands dakong 4:35 ng hapon.

Mayroon daw itong lalim na 538 kilometro.

“No destructive tsunami threat exists based on available data,” pahayag naman ng Phivolcs.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

“This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” saad pa nito.

Dahil dito, wala umanong aksiyon na kinakailangang gawin kaugnay ng naturang pagyanig.