Inamin ni "Abot Kamay na Pangarap" lead star Jillian Ward na bagama't sanay na siya sa maiinit at maaksyong eksena sa teleserye, first time daw niyang maranasang "pagbabarilin" habang nakaangkas sa motorsiklo.

Sa panayam sa kaniya ng GMA Public Affairs, nag-enjoy naman daw si Jillian sa eksena nila ni Ruru sa "Black Rider."

Take note, guest ang karakter ni Jillian na si "Doc Analyn" sa nabanggit na action-drama series bilang bahagi ng kanilang gimik na "cross over." Ang mga tauhan ng ibang serye ay puwedeng mag-cross over sa ibang Kapuso series.

"Actually po nag-action na rin ako noong bata pa ako," ani Jillian.

Teleserye

Umpisa pa lang: Coco at Kim, 'nagkaputukan' na!

Binanggit niya ang fantasy-action series noon ni Richard Gutierrez na "Captain Barbell."

"Ngayon ko lang na-try na may eksena ako sa motor na may bumabaril sa amin, so intense talaga siya. Na-enjoy ko naman siya, in fairness."

Tinitiyak naman daw ng mga direktor at ni Ruru na komportable siya sa paggawa ng bakbakan scene, kahit na kabado siya dahil sa mga baril na pumuputok.

Pinuri naman ni Jillian si Ruru dahil sa husay nito sa fight at action scenes, habang nagmomotor pa.