Kasadong-kasado na ang pagbabalik-telebisyon ni "Wowowin" host Willie Revillame matapos pumirma ng kontrata ng partnership sa MediaQuest Holdings at MQuest Ventures na pagmamay-ari ni Manny Pangilinan.

Sa pamamagitan ito ng TV5 na minsan na rin niyang naging tahanan bago lumipat sa GMA Network at naging "Wowowin" ang pamagat ng show, na dating "Wowowillie at Willing Willie."

Hindi pa malinaw kung Wowowin pa rin ba ang magiging programa ni Willie sa Kapatid Network, o kagaya pa rin ng format, o kung may iba pang programang gagawin ang host sa nabanggit na network.

Sitsit din na magiging ka-back-to-back ito ng "Eat Bulaga" ng TVJ na nasa Kapatid Network na rin.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nakadaupang-palad din ni Willie ang isa sa mga public service program host at senador na si Raffy Tulfo bilang pa-welcome sa kaniya.

Matatandaang bago pa ang pirmahan sa TV5 ay nauna munang napabalitang magbabalik si Willie sa government-owned networks na IBC-13 at PTV-4 subalit hindi ito natuloy dahil sa ilang mga pagbabago raw sa kondisyon ni Willie.

MAKI-BALITA: Show ni Willie Revillame sa government channels, ‘di na talaga tuloy?