"Ito ay kinakailangan nating gawin upang ipaglaban natin ang ating mga kabuhayan sa sektor ng transportasyon," ani baylon.
"Ang a-uno (Mayo 1), sabi nila, huhulihin na raw ang mga jeep. Karapatan ng mamamayang Pilipino na maglingkod sa sambayanan. Kung kaya, kahit na matapos ang deadline, hindi titigil sa pamamasada ang mga drayber at operator," ani Baylon.
Aniya, maaapektuhan ng protest actions ang Alabang, Baclaran, Sucat, Taft Avenue, Agoncillo, Monumento, Novaliches, Litex, Anonas, Katipunan, at Philcoa.
Posible aniyang makilahok sa transport strike ang Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela).
Nauna nang inihayag ng naturang grupo resulta lamang ito ng kanilang pagtutol sa deadline para sa consolidation ng jeepney franchise sa Abril 30.