Isa raw estudyante na papasok sa kaniyang internship ang lalaking may kapansanan na pinasakay nang libre ng isang local riding service driver at nag-viral kamakailan.
Base sa viral ">TikTok video na si Anne Paula Pagtolon-an, makikita ang pagngiti ng lalaking may kapansanan sa paa matapos daw siyang hintuan ng isang “Move It” rider para pasakayin sa motor nito.
“The driver saw kuya struggling maglakad and he offers to take him kung saan man siya papunta and seeing that smile ni kuya, it’s free for sure. Humanity still exists,” ani Pagtolon-an sa kaniyang post na umani na ng mahigit 1.2 million views at 201,500 likes.
“Thank you for choosing to be kind in this cruel world 🥹❤️,” dagdag pa niya.
Samantala, ibinahagi rin ni Pagtolon-an na napag-alaman niyang estudyante ang lalaking pinasakay ng rider. Bukod dito, nabanggit din niyang nirerentahan lang pala ng rider ang motorsiklo para makapamasada.
“Si kuya po ay isang intern student, and the ‘Move It’ rider, hindi pa pala sa kaniya ‘yung motor, nirerent pa niya, per my conversation sa wife niya,” aniya.
Sa kaniyang panayam sa Manila Bulletin, ikinuwento ni Pagtolon-an na naalala raw ng rider na ang naturang estudyante ay naging pasahero niya dati kaya’t nilibre na rin niya ito ng sakay.
“The 'Move It' rider recognized him as one of his customers before and offered to take him where he was going at that time for free,” ani Pagtolon-an sa MB.
Marami naman ang naantig at sumaludo sa kabutihang ipinamalas ng driver sa student intern.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Too soft for this. May God bless kuya and the kuyang driver.♥️”
“Ganyan talaga Pinoy willing lagi tumulong.”
“Kung lahat tayo ganito makitungo sa kapwa, walang lamangan, walang pinipiling tulungan, madaling uunlad ang ating bayan🇵🇭😍.”
“Ano ba ‘yan naluha ako bigla😔.”
“Sobrang dali maging mabait, hindi ko lang alam kung bakit hirap na hirap yung iba. Salute to kuya! 🫶🏻🤍”