Naghayag ng sentimyento ang singer-songwriter na si Ice Seguerra kaugnay sa usapin ng same-sex marriage sa Pilipinas.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Miyerkules, Abril 24, sinabi ni Ice na nirerespeto naman daw nila ng partner niyang si Liza Diño ang paniniwala ng simbahan hinggil sa third sex.

“Hindi naman po kami kailangang makasal sa church, e. Because we respect their beliefs so much. But I think it’s also important for the state to recognize the rights that, you know, couple like us exists,” pahayag ni Ice.

“Hindi pwedeng dahil sa mga belief e iisantabi n’yo ‘yong karapatan din ng marami sa atin. ‘Yon lang naman,” dugtong pa niya. 

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Sumang-ayon naman dito ang host na si Boy. At inamin pa nga niya na may nararamdaman siyang lungkot, tampo, at konting galit dahil sa karapatang ipinagkakait sa kanila ng estado.

“Nagtatampo dahil…we cannot even be partners. Co-owner. Kung halimbawa property ang pinag-uusapan. Parang I find it cruel,” aniya.

Kaya naman, weird daw para kay Ice na mas may karapatan pa raw ang mag-business partners na magkaroon ng shared properties kaysa sa mga gaya nilang couple na pareho ang kasarian.

Matatandaang noong Enero 2023 ay kinalampag ni Ice ang senado upang simulan na ang plenaryo sa pagdinig ng kontrobersiyal na “Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression” o SOGIE Equality Bill.

MAKI-BALITA: ‘Tama na delaying tactics!’ Ice Seguerra, nangalampag sa senado hinggil sa SOGIE Bill