Kamakailan lamang ay naganap na nga ang partnership deal sa pagitan ng ABS-CBN at ALLTV sa pamamagitan ng pagpapalabas ng flagship newscast program ng Kapamilya Network na "TV Patrol" at iba pang mga classic shows nito sa network na pagmamay-ari ni dating senate president Manny Villar.

Ipalalabas sa ALLTV ang iconic at memorable shows ng Kapamilya Network na nasa ilalim ng cable channel brand na "Jeepney TV."

Channel 2 ang inookupang frequency ng ALLTV, dating gamit at ng ABS-CBN, bago pa man ma-deny ang franchise renewal nila noong Mayo 2020, sa kasagsagan ng pandemya at administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya sa speech ni ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, emosyunal daw para sa kaniya ang muling pagbabalik-tahanan ng Kapamilya Network, dahil nga sa pagpapalabas ng kanilang piling shows sa Channel 2, na dati naman talaga nilang tahanan.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

MAKI-BALITA: Carlo Katigbak sa ALLTV: ‘Thank you for believing in ABS-CBN’

Halo-halo naman ang reaksiyon at komento rito ng mga netizen. May mga natuwa dahil unti-unti na raw nakakabangon ang ABS-CBN mula sa pagkakalugmok, at mas lalo pa raw kumalat ang network na "dinurog" daw noon.

Naiintindihan daw ng ilan ang ginawa ng ABS-CBN, lalo't isa raw sa mga may-ari ng ALLTV ay ang anak ni Manny Villar na si Congresswoman Camille Villar, na isa sa mga nag-no sa renewal ng prangkisa ng network noong 2020.

Marami raw kailangang pasuwelduhin ang ABS-CBN kaya kahit ang "paglunok ng pride" ay ginagawa nito. kagaya na lamang daw ng pakikianib sa mortal nilang katunggali, ang GMA Network.

Subalit may ilan din namang bumabatikos sa partnership dahil mas nanaig daw ang pera kaysa paninindigan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Mabuti pa ang isang shopping mall. Matagal nilang ipinagbawal magtayo ng isang botika doon dahil ininsulto ng may-ari ng botika ang may-ari ng mall noon. Yan ang may prinsipyo sa business. Unlike ABS-CBN. Collaborating not with a competitor but with an oppressor. LOSING ITS DIGNITY."

"Take note ah... hindi lang BBM apologist si Camille Villar, isa pa sya sa mga nagpa-shutdown ng ABS-CBN, so nakakatawa talaga. Myghad! LOL. Iba talaga ang nagagawa ng pera, nagiging bulag na rin sila."

"You keep mocking the 'employees' dahil ayaw mong maniwala na sila ang pinakaapektado. oo, sila. pero hindi LANG sila ang apektado. Aralin mo ang ibig sabihin ng STAKEHOLDERS at kung sino-sino ang mga iyon for you to understand the purpose of ABS-CBN in doing this deal."

"Remember, may pamilya ring pinapakain ang mga empleyado ng ABS-CBN, kaya naiintindihan ko ang ginawa nila."

"Bakit kaya mas siningil pa iyong ABS-CBN na nawalan ng franchise kesa sa mga Villar na nag-reject ng franchise AND sinamantala iyong pagkuha ng frequencies na na-free dahil sa franchise rejection?"

"Who says Villar is not benefitting from this? Oh he definitely is. But so is ABS-CBN. The wider the reach, the better for them. hindi mo ba napapansin na everywhere you go, nando’n ang ABS-CBN? that is good for them."

"Maaaring hindi natin nakikita ang efforts na ginagawa ng ABS-CBN behind all the news para patuloy na mag-operate. Maaaring hindi lang ito ang hakbang nila sa ngayon pero makakatulong ito para sa mga pamilyang nakasandal sa kanilang kompanya. Hindi sila napilay. Pinilayan sila."

"Tinalikuran nila ang pride para masustain ang kompanya at ang mga empleyadong umaasa sa kanila."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawang network kaugnay ng mga isyung ito.

MAKI-BALITA: Bukod sa TV Patrol: Ilang Kapamilya shows, mapapanood na sa ALLTV!