Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Huwebes ng tanghali, Abril 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:20 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 17 kilometro.

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'