Dahil sa matinding init na panahon, maaaring tamaan ang isang indibidwal ng mga sakit tulad ng “heat cramps,” “heat exhaustion,” at “heat stroke,” ayon sa Department of Health (DOH).

Kaya’t upang manatiling healthy ngayong tag-init, alamin dito ang mga sintomas ng heat-related illnesses at kung ano ang mga dapat gawing lunas sakaling makaramdam ng kahit isa sa mga ito.

Para sa sakit na health cramps:

Ayon sa DOH, ang health cramps ay ang pananakit o pamumulikat ng kalamnan, karaniwan sa binti at tiyan, na maaaring mangyari kapag nagtatrabaho o gumagawa ng pisikal na aktibidad sa gitna ng mainit na panahon.

Lifehacks

ALAMIN: Mga dapat gawin para maiwasan ang heat stroke

Narito ang mga sintomas ng heat cramps:

  • Pamumulikat
  • Pagod
  • Hilo
  • Sakit sa ulo
  • Pagsusuka

Para sa sakit na heat exhaustion

Ayon sa DOH, ang heat exhaustion ay ang lubhang pagkapagod dahil sa mainit na panahon. Nakukuha raw ang sakit na ito kapag nagtagal sa init at hindi nakainom ng sapat na malinis na tubig. Maaari rin itong magdulot ng dehydration.

Narito ang mga sintomas ng heat exhaustion:

  • Pagod
  • Panghihina
  • Sakit sa ulo
  • Pagduduwal
  • Pagkakuba

Para sa sakit na heat stroke

Ayon sa DOH, ang heat stroke ay ang pinakamalubhang sakit tuwing mainit ang panahon, kung saan nangangailangan ito ng agarang atensyong medikal. Ito raw ay nangyayari kapag hindi nakakayanan ng katawan na palamigin ang sarili, at ito’y napupunta sa mapanganib na init ng katawan.

Narito ang mga sintomas ng heat stroke:

  • Pagkawala ng malay
  • Pagkalito
  • Atake sa puso

Sakaling makaranas ng alinman sa mga nagbanggit na sintomas ng tatlong heat-related illnesses, narito ang mga unang lunas na dapat tandaan at gawin, ayon sa DOH:

  • Lumipat sa malilim o malamig na lugar.
  • Magsuot ng preskong mga damit.
  • Maglagay ng cold compress o yelong binalutan ng tela.
  • Dahan-dahang uminom ng malamig na tubig.
  • Makipag-ugnayan sa mga serbisyo ng emergency o ospital.

Samantala, narito naman ang mga dapat gawin upang maiwasang magkaroon ng alinmang sakit na dulot ng mainit na panahon: 

  • Uminom ng sapat na tubig.
  • Iwasan ang iced tea, soda, kape, o mga inumin na may alcohol.
  • Limitahan ang outdoor activities mula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon.
  • Gumamit ng proteksyon laban sa sunburn tulad ng sumbrero, payong, at sunblock.
  • Magsuot ng maluwag at magaan na damit.

Para naman sa oras ng pangangailangan, sinabi ng DOH na maaaring kontakin ang kanilang HEMB-OpCen sa pamamagitan ng mga numerong 0917-8059756 o 0917-8619528, (02) 8651-7800 lokal 2206/2207, o mag-email sa [email protected].