Naglabas ng pahayag ang Star Magic na talent agency ng dalawang P-Pop group sa bansa na BINI at BGYO kaugnay sa mga intriga at malisyosong atake sa kanilang mga artist.
Sa kanilang Facebook post nitong Martes, Abril 23, nakiusap ang Star Magic na maging responsable sa mga ipino-post sa social media at sa mga ipinapakalat na content.
“It is everyone’s duty to create a safe online environment, rather than be the first to commit criminal acts. The past months have been a painful experience of BGYO and BINI’s members as they learn the value of personal accountability. Both groups have the courage to stand-up against online bullies,”
“BGYO and BINI’s management will take legal action against these emboldened bashers who circulate unfounded rumors,” anila.
Dagdag pa nila: “Appropriate government agencies and private service providers have been tapped to gather evidence and hold these perpetrators accountable for their unlawful behavior. Filing of criminal cases will be set in motion.”
Matatandaang nagsimula ang pamumutakti sa dalawang P-Pop group matapos dumalo ang ilang member ng BINI sa birthday party ng isa sa mga miyembro ng BGYO na si Gelo.
Tila hindi kasi gusto ng ilang fans na mapasama ang BINI sa BGYO dahil sa mga umaaligid umanong isyu sa mga miyembro nito gaya ng cheating at sexual assault.