Suspendido ang face-to-face classes sa Maynila ngayong Huwebes, Abril 25 at Biyernes, Abril 26.
Sa pahayag na inilabas ng Manila PIO, idineklara ni Mayor Honey Lacuna ang suspensyon ng face-to-face classes sa pampubliko at pribadong paaralan (lahat ng antas) dahil sa matinding init ng panahon.
"Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan declares suspension of face-to-face classes for public and private schools in all levels for Thursday and Friday, April 25 and 26, 2024," anang Manila PIO.