Umalma ang official fans club ni “GomBurZa” star Cedrick Juan na “Cediestans PH” dahil sa ilang fans na nagbibigay ng malalaswang komento sa aktor.
Sa Facebook post ng naturang fans clup nitong Martes, Abril 23, nakarating umano sa kanilang atensyon ang ginagawang objectification ng ilang fans kay Cedrick sa mga video, post, at komento online lalo na sa TikTok.
Kaya naman, pinaalalahanan nila ang fans na irespeto si Cedrick at maging maingat sa mga bibitawang salita patungkol sa aktor lalo na’t ang ginampanang karakter niya sa “GomBurZa” ay isang historial na pigura.
“Please refrain from simping on Padre Burgos as a sign of respect to him. Please do remember that Padre Burgos is not a fictional character,” pahayag nila.
“He’s part of our history and one of our heroes who fought for our rights, equality, and freedom that we have right now,” anila.
Dagdag pa nila: ‘Thank you and we hope everyone learned a lot from the movie ‘GomBurZa,’ and grasped the true purpose and messages of the film.”
Matatandaang si Cedrick ay nagwaging “Best Actor” sa nakaraang 2023 Metro Manila Film Festival dahil sa pagganap niya bilang Padre Burgos sa naturang pelikula.
MAKI-BALITA: Cedrick Juan, inalay ‘Best Actor award’ sa mga Pinoy na nakararanas ng injustice