Isang appreciation post ang ibinahagi ng Filipino Olympian at gymnast na si Carlos Yulo matapos manalo ng silver at gold sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series na ginanap sa Doha, Qatar.

Flinex ni Yulo ang ilang mga larawan ng mga taong tumulong sa kaniyang training, kabilang ang kaniyang silver at gold medals.

"Unang una sa lahat maraming salamat Lord God sa pag bigay ng lakas at pag gabay sa akin/amin ng buong team PHI. Di po namin magagawa lahat ng ito kung di dahil sa gabay na ibinigay niyo po sa amin☝🏼," aniya.

"Thank you po Ma'am Cynthia for always being so supportive and caring to the whole team, we are always thankful for everything that you do for us po ☺️🇵🇭"

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

"Sa team ko na napaka-maalaga at umaalalay sa bawat training at mga plano, Coach Aldrin + Coach Hazel! Maraming salamat po, mas pag husayan pa po natin sa mga susunod na plano ni Lord para sa atin 🫡🙏🏻"

"Sa partner ko na nag lalaan ng oras para maka-punta at ma-suportahan ako sa emotional at mental wellbeing ko at ma-make sure na nasa maayos akong kalagayan. Alam kong sobrang busy ka sa studies at work mo pero nandidito ka kasama ko para lumaban at matuto, maraming salamat mahal ko. Mahal na mahal kita Chloe 😘🤍"

"Sa lahat po ng mga nag dasal para sa amin, para maging safe at maging matagumpay ang competition, sobra ko po kayong na aappreciate 🥹"

"At sa Pilipino Community of Doha na nag bigay ng kanilang oras at effort na pumunta at i-cheer kaming mga Pilipino gymnasts, salamat po sa pag subaybay at pagdarasal niyo sa amin! Nakakataba po kayo ng puso ❤️"

Congrats, Carlos!