Posibleng maranasan ang 44°C “dangerous” heat index sa Metro Manila ngayong Miyerkules, Abril 24, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa datos ng PAGASA na inilabas nitong Martes, Abril 23, posibleng umabot sa 44°C ang heat index sa Metro Manila partikular sa NAIA Pasay City at Science Garden, Quezon City.

Lifehacks

ALAMIN: Mga dapat gawin para maiwasan ang heat stroke

Bukod sa Metro Manila, posible ring maranasan ang  “dangerous” heat index sa mga sumusunod na lugar:

  • CBSUA-Pili, Camarines Sur - 46°C
  • Dagupan City, Pangasinan - 45°C
  • San Jose, Occidental Mindoro - 45°C
  • Puerto Prinsesa City, Palawan - 45°C
  • Aborlan, Palawan - 45°C
  • Appari, Cagayan - 45°C
  • Tuguegarao City, Cagayan - 44°C
  • Guluan, Eastern Samar - 44°C
  • CLSU Muñoz, Nueva Ecija - 43°C
  • Sangley Point, Cavite - 43°C
  • Coron, Palawan- 43°C
  • Legazpi City, Albay - 43°C
  • Virac (Synop) Catanduanes - 43°C
  • Masbate City, Masbate - 43°C
  • Roxas City, Capiz - 43°C
  • Iloilo City, Iloilo - 43°C
  • Daet, Camarines Norte - 42°C
  • ISU Echague, Isabela - 42°C
  • Iba, Zambales - 42°C
  • Baler (Radar), Aurora - 42°C
  • Casiguran, Aurora - 42°C
  • Ambulong, Tanauan Batangas - 42°C
  • Alabat, Quezon - 42°C
  • Dumangas, Iloilo - 42°C
  • La Granja, La Carlota, Negros Occidental - 42°C
  • Catarman, Northern Samar - 42°C
  • Catbalogan, Samar - 42°C
  • Tacloban City, Leyte - 42°C

Samantala, maaaring maging sanhi ng “heat exhaustion,” at “heat stroke" ang matinding init ng panahon.

Ayon sa Department of Health (DOH), nangyayari raw ang heat stroke kapag hindi na kayang kontrolin ng katawan ang temperatura nito.

“Heat stroke occurs when the body becomes unable to control its temperature. In this situation, the body’s temperature rises quickly, and the body’s sweating mechanism (which is used to cool down the body) fails,” ayon sa ahensya.

Gayunman, ano nga ang mga dapat gawin para maiwasan ang heat stroke?

BASAHIN: ALAMIN: Mga dapat gawin para maiwasan ang heat stroke