Inihayag ni Senador Francis “Tol” Tolentino na mahalaga para sa kaniya ang endorso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kaniyang muling pagtakbo bilang senador sa 2025 midterm elections.

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo at inendorso ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na pinamumunuan ni Duterte ang senatorial bid ni Tolentino, kasama sina Senador Bong Go, Senador Ronald “Bato” dela Rosa, at aktor na si Phillip Salvador, para sa susunod na taon.

MAKI-BALITA: Reelection bid nina Sen. Dela Rosa, Go at Tolentino, suportado ni Duterte

MAKI-BALITA: Phillip Salvador tatakbong senador sa 2025, inendorso ng PDP

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa isang panayam na inulat ng Manila Bulletin nitong Lunes, Abril 22, sinabi ni Tolentino na makatutulong sa kaniyang muling pagtakbo sa Senado ang pag-endorso sa kaniya ng dating pangulo.

“I value [former] President Duterte’s endorsement. Tayo po ay tumatanaw ng utang na loob,” saad ni Tolentino.

Samantala, ipinaliwanag din ng senador na isang “rebranding” ang pag-alis ng kanilang partido ng salitang “Laban” mula sa orihinal nilang party name na “PDP-Laban.”

“To drop the name Laban is an evolutionary process of a shift in the ideology because Laban would always be to speculate and conclude fight, always be confrontational and oppositional,” ani Tolentino.

“Perhaps the rebranding would probably be directed to moderate Filipino voters,” dagdag pa niya.