Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi maaapektuhan ng naging tirada kamakailan ng asawa niyang si First Lady Liza Araneta-Marcos ang working relationship nila ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang panayam na iniulat ng Manila Bulletin nitong Martes, Abril 23, kinumpirma ni Marcos na hindi aalisin sa Gabinete si VP Sara at hindi papalitan bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ang naturang pahayag ni Marcos ay matapos patutsadahan kamakailan ni FL Liza si VP Sara at sinabing “bad shot” na ito sa kaniya dahil nakita raw niya ang itong tumatawa habang sinasabihan ng kaniyang ama si PBBM na “bangag.”

National

VP Sara ‘bad shot’ na kay FL Liza: ‘She crossed the line’

Dahil sa naging tirada ng Unang Ginang, ilang mga personalidad sa politika, kabilang na si dating Senador Leila de Lima, ang nagsabing dapat magbitiw na si VP Sara sa kaniyang puwesto bilang DepEd chief at miyembro ng Gabinete ng Marcos admin.

https://balita.net.ph/2024/04/21/patutsada-ni-de-lima-kay-vp-sara-namamangka-sa-dalawang-ilog/