Sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na “very protective” lamang sa kaniya ang asawa niyang si First Lady Liza Araneta-Marcos kaya’t ibinulalas nito ang kaniyang hindi magandang naramdaman para kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang kamakailan lamang ay pinatutsadahan ni FL Liza si VP Sara at sinabing “bad shot” na ito sa kaniya dahil nakita raw niya ang itong tumatawa habang sinasabihan ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte si PBBM na “bangag.”

Sa isa namang ambush interview nitong Martes, Abril 23, sinabi ni PBBM na naiintindihan niya kung bakit nasabi iyon ng kaniyang asawa.

National

VP Sara ‘bad shot’ na kay FL Liza: ‘She crossed the line’

"My first reaction is what a lucky husband I am that I have a wife na very protective sa akin, na kapag may nakitang hindi magandang sinabi tungkol sa akin, she gets very upset,” saad ni PBBM.

Samantala, sinabi rin naman ng pangulo na hindi maaapektuhan ng naturang patutsada ng Unang Ginang ang working relationship nila ni VP Sara.

"It will not affect our working relationship with the Vice President, Secretary of Education. I think that she also as a wife understands how the First Lady feels," ani PBBM.

https://balita.net.ph/2024/04/23/relasyon-ni-pbbm-at-vp-sara-di-raw-maaapektuhan-ng-naging-tirada-ni-fl-liza-kay-vp/

Hindi rin daw papalitan si VP Sara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at hindi aalisin sa Gabinete.

https://balita.net.ph/2024/04/23/kahit-pinatutsadahan-ni-fl-liza-vp-sara-di-papalitan-bilang-deped-chief/

Ayon pa kay PBBM, mag-uusap sila ni VP Sara para maayos na ang naturang usapin.

"Huwag n’yong masyadong dibdibin. At hindi naman siya ‘yung mga nagsabi ng kung anu-ano. Kaya’t madali naman sigurong plantsahin lahat 'yung isyu na ito," aniya.

Matatandaan namang naglabas ng pahayag kamakailan si VP Sara hinggil sa naging patutsada ni FL Liza at sinabing wala raw kinalaman ang kaniyang mandato bilang opisyal ng pamahalaan sa personal na damdamin ng Unang Ginang.

https://balita.net.ph/2024/04/22/vp-sara-sinagot-naging-tirada-sa-kaniya-ni-fl-liza/