Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Leyte nitong Martes ng hapon, Abril 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:34 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Kananga, Leyte, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Intensity V - Carigara, LEYTE

Intensity IV - Kanangan, LEYTE

Intensity III - Leyte, LEYTE

Intensity II - Calubian, Albuera at Villaba, LEYTE; Kawayan at Naval, BILIRAN

Intensity I - Isabel at Alangalang, LEYTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.