Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi papalitan si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
"Any of the Cabinet secretaries will be replaced kapag hindi nila ginagawa ang trabaho nila. Kapag hindi na kaya, kapag nagkasakit, edi papalitan ka namin. Kapag hindi talaga marunong, kung corrupt, tatanggalin ka talaga namin. Eh hindi naman ganoon si Inday (Sara Duterte) eh," ani PBBM sa isang ambush interview nitong Martes, Abril 23.
Ito ay matapos patutsadahan kamakailan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang bise presidente at sinabing “bad shot” na ito sa kaniya.
“Bad shot na ‘yan sa akin, unless she says sorry or whatever, or maybe she will. She crossed the line. And then going down sa Prague (noong Marso 2024) nakita ko siya ulit. Sabi ni Bong, ‘behave.’ Sabi ko, ‘Wrong person, honey.’,” ani FL Liza kamakailan.
“For me nasaktan ako because my husband will do everything to protect you. You ran together ‘di ba? ‘Sama-sama tayo babangon muli’. Pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung presidente mong bangag, ‘di ba? You’re going to laugh? Tama ba ‘yan? Even [former vice president] Leni (Robredo) never did that,” saad pa niya.
Dahil dito, ilang mga personalidad sa politika, kabilang na si dating Senador Leila de Lima, ang nagsabing dapat umanong magbitiw na si VP Sara sa kaniyang puwesto bilang DepEd chief at miyembro ng Gabinete ng Marcos admin.
https://balita.net.ph/2024/04/21/patutsada-ni-de-lima-kay-vp-sara-namamangka-sa-dalawang-ilog/
Samantala, sinabi naman ni PBBM na hindi maaapektuhan ng naturang patutsada ni FL Liza ang working relationship nila ni VP Sara.
Matatandaang running-mates sina PBBM at VP Sara noong 2022 national elections kung saan tumakbo sila sa ilalim ng “UniTeam.”