Nagdeklara si Manila Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan ng suspensiyon ng face-to-face classes sa lungsod bukas, Abril 24, 2024, Miyerkules.

Ito’y bunsod na rin ng inaasahang pagpalo sa 43°C ng heat index level sa lungsod, na itinuturing na mapanganib para sa mga mamamayan.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Sa abiso nitong Martes ng hapon ng Manila Public Information Office, na pinamumunuan ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna, nabatid na sakop ng kautusan ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

“BREAKING: Manila Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan declares suspension of face-to-face classes for public and private schools in all levels for Wednesday, April 24, 2024,” bahagi ng abiso.

“This is due to the forecasted danger heat index level of 43°C according to the Manila Disaster Risk Reduction Management Office,” anito pa

Pinayuhan rin ng alkalde ang lahat ng paaralan na magdaos na lamang ng asynchronous classes para sa nasabing araw.

“Schools are advised to shift to asynchronous classes,” dagdag pa nito.

May be an image of text that says '西證隊 Republic of he Philippines CITY OF MANILA FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENDED For Wednesday, April 24, 2024 DUE TO TOMORROW'S EXTREME HEAT INDEX ALL PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS ALL CLASS LEVELS SCHOOLS ARE ADVISED to SHIFT to ASYNCHRONOUS CLASSES MANILA PUBLIC INFORMATION OFFICE'