Nagbigay ng pahayag ang “Eat Bulaga” host na si Vic Sotto kaugnay sa posibilidad na makasama si Unkabogable Star Vice Ganda sa isang pelikula. 

Sa isang video clip na ibinahagi ni broadcast-journalist MJ Marfori noong Sabado, Abril 20, sinabi ni Vic na hindi umano imposibleng mangyari ang nasabing kolaborasyon.

“Is it possible po na magsama kayo ni Vice Ganda sa isang movie?” tanong kay Vic.

“It’s not impossible,” sagot niya. “Siguro in the future. Wala akong pinipili.”

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

Sa isang bahagi kasi ng panayam ay nilinaw ni Vic na hindi naman daw nila kaaway ang katapat nilang noontime show matapos ang bangayan sa pagitan ng fans ng “Eat Bulaga” at “It’s Showtime.”

“Never naming sabihing kaaway. Katapat, kalaban. Iba ang kaaway namin. Iba ang kaaway sa kalaban. Kalaban, it could be a friendly competition,” saad ni Vic.

Bukod pa rito, nabanggit din ni Vic ang tungkol sa posibleng pagbabalik-pelikula niya sa darating na Metro Manila Film Festival 2024.

MAKI-BALITA: ‘Makakaasa sila ng kakaiba!’ Vic Sotto, manonorpresa sa MMFF 2024?

Matatandaang isa ang mga pelikula ni Vic sa mga humakot ng kita sa takilya sa mga nakalipas na Metro Manila Film Festival gaya ng Enteng Kabisote franchise.

Pero ilang taon din siyang nabakante sa pagpepelikula. 2018 pa nang huli siyang gumanap sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kung saan niya nakasama si Coco Martin at Maine Mendoza.