Nagdiwang ng ika-63 kaarawan ang pinakamatandang orangutan sa buong mundo na si “Bella.”

Sa isang Facebook post ng Guinness World Records (GWR), ibinahagi nitong umabot na sa 63 ang edad ni Bella noong nakaraang linggo.

“Estimated to have been born in 1961, Bella the Sumatran orangutan (Pongo abelii) was collected from the wild in 1964 and has lived at Hagenbeck Zoo in Hamburg, Germany, ever since,” anang GWR.

“The typical lifespan of a wild orangutan is 35-40 years, increasing to around 50 years in captivity,” dagdag nito.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Tatlong pinakamatatandang imahen ng Sto.Niño sa buong Pilipinas

Pinarangalan naman daw si Bella ng GWR bilang “oldest living orangutan” noong 2021.

Happy birthday, Bella!