Tila may bagong aabangang pelikula ang mga tagasubaybay ni TV host-actor Vic Sotto sa darating na Metro Manila Film Festival 2024.

Sa panayam kasi ni broadcast-journalist MJ Marfori noong Sabado, Abril 20, nausisa ang tungkol sa pagbabalik-pelikula ni Vic matapos ang kaniyang birthday celebration sa Eat Bulaga.

“This year ba may entry kayo para sa 50th MMFF?” tanong ni MJ

“Surprise!” sabi ni Vic.

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

“Pero hindi Enteng Kabisote?” paniniyak naman ni MJ.

“Iba naman,” sagot ni Vic, “Iba na ang panahon ngayon. So, makakaasa sila ng kakaiba talaga.”

Matatandaang isa ang mga pelikula ni Vic sa mga humakot ng kita sa takilya sa mga nakalipas na Metro Manila Film Festival gaya ng Enteng Kabisote franchise.

Pero ilang taon din siyang nabakante sa pagpepelikula. 2018 pa nang huli siyang gumanap sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” kung saan niya nakasama si Coco Martin at Maine Mendoza.