Mahigit apat na oras na binabad ng isang lalaki mula sa Poland ang kaniyang buong katawan sa tipak-tipak na yelo para sa isang world record.
Sa ulat ng Guinness World Records (GWR), lumikha ng kasaysayan ang 53-anyos na si Łukasz Szpunar matapos siyang maging pinakaunang taong nakatayo sa isang box ng yelo sa loob ng apat na oras at dalawang minuto.
Dahil dito, ginawaran siya ng titulong “longest duration full body contact with ice,” kung saan nalampasan daw niya ang dating record holder na nagbabad sa yelo sa loob ng 50 minuto.
Para makuha ang naturang world record, anang GWR, kinailangan ni Lukasz na ilubog sa tipak-tipak na yelo ang lahat ng bahagi ng kaniyang katawan, maliban sa ulo at leeg.
Wala rin daw dapat itong suot na kahit anong damit, maliban sa swimming trunks.
“Łukasz also wore a mouthguard to protect his chattering teeth from damaging themselves,” saad ng GWR.
“Łukasz said he experienced discomfort at the beginning, which slowly dissipated before coming back again towards the end. His body temperature and state of consciousness were constantly monitored while he was in the ice box, and after he passed the unprecedented four-hour mark, safety stewards decided to bring an end to the record attempt,” pagbabahagi pa nito.
Ginawa raw ni Lukasz ang naturang hamon dahil sa kaniyang pag-ibig sa “walruses”, isang termino para sa “cold-exposure enthusiasts.”
“Because of my love for the cold, I wanted to test myself this time by sitting in the ice itself,” saad ni Lukasz sa GWR.