Nagbigay ng mensahe ang social media personality na si Xian Gaza para sa mga aspiring vlogger na laging kino-content ang paresan owner na si “Diwata”.

Sa latest Facebook post ni Xian kamakailan, sinabi niya ang isang malungkot na reyalidad sa mundo ng social media. 

“Kahit umabot pa ng 3M views yung video mo, sad to say, wala pa ring may pake sayo. Buong vlog mo eh naka-focus lang sila kay Diwata,” pahayag ni Xian.

“After nilang manood eh nakalimutan na agad yung pangalan mo. Hindi man lang ma-recall yung itsura mo. 1K lang yung nadagdag sa followers mo,” aniya.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, maraming naka-relate

Paglilinaw pa niya: “Hindi kita bina-bash ha? Sinasabi ko lang yung realidad sa social media. Hindi worth it unless ka-level mo na sila Alex Gonzaga. 

Kaya naman, bukod sa mensahe ay nagbigay din ng payo si Xian para sa mga nangangarap o nagsisimulang vlogger.

“Magtayo ka ng sarili mong paresan/karinderya tapos itabi mo sa mismong pwesto ni Diwata. Gayahin mo lahat ng menu. 24 hours open. Head-to-head competitor ka. Sabi sayo, bilang ka lang ng 15 days, sikat na sikat ka na. Marami ka nga lang haters. So what?” saad niya.

Matatandaang halos inaraw-araw na ng mga vlogger na itampok si Diwata sa kanilang mga ginagawang content matapos pumatok ng kaniyang paresan kaya nagpaabot ng concern ang mga netizen.

MAKI-BALITA: Diwata halos araw-araw kino-content, ‘ginagatasan’