Muling iginiit ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang kaniyang panawagan sa Senado na imbestigahan ang indefinite suspension ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Sa inihaing Senate Resolution 1000, sinabi ni Padilla, chairperson ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na “walang basehan” ang suspension order laban sa SMNI.
“The imposition of baseless suspension orders on SMNI not only constitutes a denial of due process but also an erosion of press freedom," ani Padilla.
“The right of the people to public information should not be unduly curtailed because access to information on matters of public concern and of general interest can help people in democratic decision-making by giving them a better perspective of vital issues confronting our society,” saad pa niya.
Kamakailan lamang ay iginiit din ni Padilla na wala umanong basehan ang pagsuspinde ng NTC sa SMNI, kung saan sinabi rin niyang instrumental umano ang mga programa ng network sa pagtulong sa pamahalaan hinggil sa “anti-terrorism campaign” sa pamamagitan daw ng pagmulat sa publiko laban sa “communist propaganda and recruitment strategies.”
Samantala, matatandaan namag pagkatapos ng 30 araw na suspensyon noong Disyembre 2023 ay muli ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease-and-desist laban sa SMNI nitong Enero 2024.
https://balita.net.ph/2024/01/23/ntc-pinatitigil-ang-operasyon-ng-smni/
Pagkatapos nito, noon lamang Marso nang aprubahan naman ng Kamara sa ikatlo at huling pagdinig ang panukalang bawiin ang prangkisa ng SMNI dahil sa umano’y pagpapakalat ng SMNI ng mga maling impormasyon, pagiging sangkot sa “red-tagging,” at paglilipat ng ownership nang walang “congressional approval.”
https://balita.net.ph/2024/03/21/kamara-inaprubahan-pagbawi-sa-prangkisa-ng-smni/
Naghain din ng contempt order ang House Committee on Legislative Franchises laban sa nagmamay-ari ng SMNI na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil sa paulit-ulit umano nitong hindi pagdalo sa pagdinig kaugnay ng naturang prangkisa ng SMNI.
https://balita.net.ph/2024/03/12/house-committee-pina-contempt-na-si-quiboloy/