Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pinoy na patuloy na isabuhay ang “Filipino hospitality” bilang bahagi umano ng kanilang kontribusyon para sa isang “Bagong Pilipinas.”

Sa kaniyang latest vlog na inilabas nitong Linggo, Abril 21, binanggit ni Marcos na noon pa man ay katangian na raw ng bawat Pilipino ang pagkakaroon ng magandang pakikitungo sa ibang tao at kanilang mga bisita.

“Ang Filipino hospitality ay katangian na noon pa man nang bawat Pilipino. Isabuhay pa natin ito, lalo pang paghusayan, ito ang mahahalagang sangkap sa ating biyahe tungo sa ‘Bagong Pilipinas’,” ani Marcos.

Ayon pa sa pangulo, kilala ang mga Pinoy sa buong mundo dahil sa kanilang “hospitality”, kung saan ito na raw ang isa sa mga “tourism brand” na maipagmamalaki ng Pilipinas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Ang Filipino hospitality na ito ay likas sa bawat isa sa atin dahil sa tahanan nagmumula ang pag-aalaga ng mga Pilipino,” aniya.

Samantala, kinuwento rin ni Marcos kung paano naman tinatanggap ng Malacañang ang bumibisitang mga foreign leader sa bansa, at kung paano tinatanong ng mga ito kung bakit ganoon daw kabuti ang mga Pinoy.

“Eh nakakataba ng puso ‘pag narinig mo ‘yun,” ani Marcos.

“Mahalaga na ang ating bisita ay pakiramdam naman nila ay very welcome sila dito para naman maging mas matibay ang ating pagsasama, ang ating mga agreement, ang ating mga partnerships sa iba’t ibang bansa,” saad pa niya.