Tinawag ni dating Senador Leila de Lima si Vice President Sara Duterte na “namamangka sa dalawang ilog” at iginiit na dapat umanong magbitiw na ito sa puwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa isang panayam na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni De Lima na habang bahagi umano si VP Sara ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang kalihim ng DepEd, sumasama rin daw ito sa kaniyang pamilya na nagsasagawa ng “anti-administration rallies.”

"She is having her cake and eating it too. Namamangka sa dalawang ilog," ani De Lima, na pinatutungkulan ang idyomatikong pahayag na nangangahulugang “hindi tapat” o “palipat-lipat ng kakampi.”

"Her loyalties are very clear. They remain with her family who have called BBM names and called for his ouster,” dagdag niya.

National

VP Sara ‘bad shot’ na kay FL Liza: ‘She crossed the line’

Matatandaang sa isang prayer rally kamakailan kung saan dumalo si VP Sara ay tinawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si PBBM na “bangag” at “drug addict.”

Kaugnay nito, sinabi ni De Lima na wala umanong linya o hangganang sinusunod si dating Pangulong Duterte pagdating sa pagbibitiw ng mga salita.

"Wala namang line line kay Duterte. A man who does not see anything wrong in killing people has no line to cross. Anything goes dyan kay Duterte," giit ni De Lima.

"If there is any line for Duterte vis-a-vis BBM, he has crossed it a long time ago the moment he told the Armed Forces of the Philippines their commander-in-chief is an addict," dagdag pa niya.

Kaugnay naman ng naturang insidente sa pagitan ni PBBM at pamilya Duterte, iginiit ni De Lima na may dalawang pamimilian si VP Sara.

"She has a choice. Join the rallies but resign, or don't resign but condemn the rallies and tell her family to stop,” saad ng dating senador.

Ang naturang pahayag ni De Lima ay matapos patutsadahan kamakailan ni First Lady Liza Araneta-Marcos si VP Sara at sinabing “bad shot” na ito sa kaniya dahil nakita raw niya ang itong tumatawa habang sinasabihan ng kaniyang ama si PBBM na “bangag.”

Samantala, hindi ito ang unang beses na iginiit ni De Lima na dapat mag-resign na si VP Sara bilang kalihim ng DepEd.

Kamakailan lamang ay sinabi ng dating senador na dapat umalis na sa pagiging DepEd chief si VP Sara matapos nitong ipahayag ang pagtaliwas ng kaniyang pananaw sa naging hakbang ni PBBM na bigyan ng amnestiya ang ilang grupo ng mga rebelde, at ang peace talks ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

https://balita.net.ph/2023/12/05/de-lima-pinagre-resign-si-vp-sara-bilang-deped-chief/