Isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang patuloy na minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Abril 21.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, iniulat ni PAGASA Weather Specialist Grace Castañeda na huling namataan ang naturang LPA 555 kilometro ang layo sa timog-silangan ng General Santos City.

Nananatili raw mababa ang tsansang maging bagyo ang LPA, ngunit nakaaapekto ang trough nito sa timog na bahagi ng Mindanao.

Magdudulot ang trough ng LPA ng mataas na tsansa ng mga pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog partikular na sa Caraga at Davao Region.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Samantala, patuloy umanong nakaaapekto ang ridge ng high pressure area (HPA) sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Kaugnay nito, inaasahan pa rin ang mainit na panahon sa malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, at iba pang bahagi ng bansa.