Itinanggi ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang mga paratang sa kaniya na kinumpirma umano niya ang balitang mamamaalam na raw ang “Eat Bulaga.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Abril 21, inilatag ni Ogie ang pinagkuhaan niya ng impormasyon sa iniulat niya kamakailan tungkol sa longest-running noontime show sa bansa.

“Unang-una sa lahat, mayroon kaming pinagkuhaan. Binasa namin. At noong sinabi nga na nalulugi raw ang ‘Eat Bulaga,’ hindi naman kami naniniwala. Sinabi ba namin: ‘Oo nga tama ‘yan?’ [...] Wala naman kaming kino-confirm,” saad ni Ogie.

“Pangalawa, ‘di naman namin sinabing magsasara. Kung narinig n’yo ‘yong word na ‘magsasara’ o ‘mamamaalam,’ patanong. Tandang pananong,” aniya.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Kaya sabi ng showbiz insider: “Saka n’yo kami sabihang fake news kapag kinonfirm namin. Saka n’yo sabihing wala kaming kwentang magbalita o wala kaming kredibilidad kung sinabi naming ‘maniwala kayo sa amin magsasara ang ‘Eat Bulaga.’”

Matatandaan kasing binanatan ni Master Henyo Joey De Leon ang mga napapakalat ng kuwento na magsasara at nalulugi na umano ang “Eat Bulaga” matapos niyang linawin hindi raw sila galit sa katapat nilang “It’s Showtime.”

MAKI-BALITA: Joey De Leon sa nagsasabing kaaway sa ‘It’s Showtime’: Huwag n’yo kaming pagsabungin