Muling magbibigay ng libreng workshop ngayong 2024 ang De La Salle University para sa kabataang nagsusulat para sa telebisyon at pelikula.

Tumatanggap na kasi ng aplikasyon ang Bienvenido N. Santos Creative Writing Center ng DLSU para sa The 2024 DLSU Young Screenwriters’ Workshop.

Batay sa kanilang Facebook post noong Biyernes, Abril 19, ang aplikasyon ay bukas para sa mga indibidwal na 18 taon pataas. Mas mabuti kung estudyante sa kolehiyo o graduate school na wala pang naisusulat na script at hindi pa nakakasalang sa anomang screenwriting workshops.

Para sa mga interesadong kabataan, kailangang maipasa ang mga mababanggit na requirement sa ibaba sa link na ito https://bit.ly/2024DLSUYoungScreenwritersWorkshop sa darating na Hunyo 15:

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

  • Cover Letter explaining the applicant’s background and interest in screenwriting and reason/s for applying.
  • One-page Short Film Concept (synopsis, to be developed during the workshop).
  •  Writing Sample (all forms/genres, 1-5 pages). The writing sample can be written in English, Filipino, or any other local language (accompanied by a translation into Filipino or English).
  • One-page CV with ID photo and contact information (e.g., email address and mobile number)
  • Good internet connectivity is a requirement, and applicants must signify that they have such

Isasagawa ang naturang workshop sa dalawang magkaibang araw. Ang una ay sa Agosto 10 sa pamamagitan ng Zoom at ang ikalawa naman ay sa Agosto 24 na gaganapin sa DLSU mula 8:00 am hanggang 6:00 pm.

Bagama’t libre, may limitadong slot lamang ang workshop na nakalaan para sa mapipiling 10 o 12 katao.

MAKI-BALITA: Alamin: Mga writing workshop na pwedeng salihan