Nagpaabot ng concern ang mga netizen at followers niya sa sumisikat na social media personality-paresan owner na si "Diwata" dahil halos araw-araw daw siyang puntahan ng kapwa influencers at vloggers na gusto siyang gawing content o itampok sa kanilang vlogs.
Simula raw kasi nang maging matunog ang pangalan at negosyo niya sa social media ay wala na ring humpay ang mga content creator na nagsasadya sa kaniyang paresan upang subukan kung talaga bang sulit ang pagdayo rito upang makakain ng iba't ibang pares overload.
Minsan daw, nahahalata na sa mukha at mata ni Diwata ang pagkapagod sa pag-eestima sa vloggers, bukod pa sa nakakapagod na ang pag-hands on niya sa mismong negosyo.
Kaya sey ng mga netizen, sana raw ay makinabang din si Diwata sa content na ginagawa ng vloggers at bayaran din siya.
Isa sa mga netizen na matapang na nag-call out sa content creators ay nagngangalang "Danico Ramos."
"Maawa naman kay Diwata PARES OVerLoad, hindi na makapagfocus sa negosyo niya dahil araw-araw niyo na lang kinocontent. Masyado niyo nang ginagatasan ang paresan niya eh, may nakita nga ako na vlogger na halos si Diwata na lang ang content eh kasi consistent ang views."
"Pero sana panipisin niyo naman sana ang kapal ng mukha niyo kasi si Diwata nga bihira lang mag-upload ng video ng paresan niya tapos kayo inaaraw-araw niya, grabe naman tibay ng sikmura niyo. Minsan hindi pa kakain, magvivideo lang sa paresan forda views, tapos magagalit kayo bakit minsan nagmamaldita si Diwata eh natural, tao ‘yon, napapagod din ‘yon."
"Kaya if aspiring vlogger ka or medyo laos ka na sa vlogging, kung gusto mo mabuhay ang page mo, ano pa hinihintay mo? Pumunta ka na sa paresan ni Diwata at icontent mo siya palagi, paniguradong tataas ulit ang views mo. Huwag ka na mahiya, kapalan mo na mukha mo."
"Oh ikaw na nagbabasa, matapang ka ba? Mention mo nga kilala mong gatas na gatas sa paresan ni Diwata? 🙄"
Kamakailan lamang, sa sobrang kasikatan na ni Diwata ay nagkaroon siya ng cameo role sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo."