Naitala ang “dangerous” heat index sa 11 lugar sa bansa nitong Linggo, Abril 21, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, nasa "danger" level ang heat index ng mga sumusunod na lugar:

  • Aborlan, Palawan - 44°C
  • National

    De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

  • Puerto Princesa City, Palawan - 44°C 
  • Aparri, Cagayan - 43°C
  • Infanta, Quezon - 43°C
  • Virac, Catanduanes - 43°C
  • Masbate City, Masbate - 43°C
  • Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur - 43°C
  • Guiuan, Eastern Samar - 43°C
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur - 43°C
  • Dagupan City, Pangasinan - 42°C 
  • Iloilo City, Iloilo - 42°C

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”