Natanong ang aktres na misis ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa-Sotto na kung papayag ba siya kung sakaling magkaroon sila ng reunion project ng dating katambal at ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

Matatandaang huling malaking proyektong pinagsamahan ng dalawa ay matagumpay na teleseryeng "Pangako Sa 'Yo" noong 2000 pa.

Sa TikTok video na ibinahagi ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, sinabi ni Kristine na "depende" sa magiging proyekto kung tatanggapin ba niya ang proyekto kasama si Echo.

Kailangan daw muna niyang makita ang kuwento, ang mga eksena rito, at iba pang mga detalye. Kumbaga, ayaw raw niyang "kung ano-ano lang" ang gagawin nila para lang masabing may comeback project sila.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Biro pa nga niya, "Sino si Jericho?"

Kidding aside, sinabi ni Tin na uubra naman sa kaniyang makipagtrabaho ulit sa ex.

"Oo naman, I think depende sa project, depende sa mga eksena, basta depende," sey ni Kristine.

"I need to see everything muna, talagang i-filter ko muna lahat, kung worth it naman ang gagawin namin hindi 'yong masabi lang na may ginawa together."

Wala naman daw problema sa mister kung makakatrabaho niya si Echo, dahil propesyunal naman daw si Oyo.

Siya lang daw talaga ang dapat ikonsidera batay sa kaniyang kagustuhan.

"Ayoko kasing gumagawa ng kung ano-ano lang. Kumbaga, if gagawa ako, something that is worth it naman, worth my time, 'yong effort ko, siyempre iiwanan ko mga anak ko... basta 'yong magandang project, 'yong may katuturan," saad pa ni Kristine.