Dinagsa ng tulong mula sa concern netizens at pet lovers ang matandang babaeng naispatang namamasura sa isang kalsada sa Malate, Maynila para sa kaniyang mga alagang aso at pusa na kasa-kasama niya at nakasakay sa isang grocery push cart.

Sa Facebook post ni John Albert Sanico, nakuha ang atensyon niya ng isang may edad na babaeng nangangalakal upang may maipanustos sa kaniyang mga alagang karaniwan ay inampon niya, gayundin para sa kaniyang sarili.

"Share ko lang tong photos ni Nanay at kanyang mga rescued strays. (Dogs and Cats)," mababasa sa Facebook post ni Sanico.

"Madalas sila along Quirino and dun daw sila madalas natutulog sa likod ng Victoria De Manila VDM Malate manila. (Photo taken in front of VDM along taft)."

Kahayupan (Pets)

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!

"Nangangalakal si nanay pang kain niya at mga strays. Medyo gutom na ung dogs and cats niya. Nilapitan ko at mababait sila. Nagbgay lang ako ng onting halaga. Kasi wala akong dalang cat/dog food. At pauwi ako sa Las Pinas."

Kaya naman, panawagan ni Sanico sa mga makakakita sa kaniya, "Sa makakita sa kanila sa area na yan. Sana mabigyan niyo po sila ng cat and dog food. And hiling ni nanay na Sidecar/padyak sana dahil ndi na kasya ung mga rescued niya.

Maraming salamat."

Sa comment section ng kaniyang post, maraming netizen ang nagnanais na mahanap ang nabanggit na babae upang maabutan ng tulong.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Sanico, sinabi nitong madalas ay natutulog lang daw ang babae sa likod ng Victoria De Manila sa Malate, Manila.

Nabagbag daw ang damdamin ni Sanico dahil tulad ng babae, malapit din ang puso niya sa stray dogs at cats.

"Meron na akong 3 dogs (2 aspin na adopted po 1 pomeranian. 4 cats lahat adopted/rescued," aniya.

Dahil limitado lamang ang espasyo niya sa bahay, bumabawi na lamang si Sanico sa feeding program sa mga aso at pusa.

MAKI-BALITA: Babaeng namamasura para sa rescued stray cats at dogs, pinusuan

Sa panibagong updates ni Sanico sa Balita nitong araw ng Linggo, Abril 21, sinabi niyang muli niyang pinuntahan at hinanap ang babae sa Maynila upang ipaabot sa kaniya ang mga tulong na ipinadala para sa kaniya.

Napag-alamang siya si "Nanay Malou," isang homeless at walang asawa't anak.

Kuwento ni Nanay Malou, dati siyang nagtitinda sa Roxas Boulevard subalit dahil sa pandemya ay nawalan siya ng kita at puhunan hanggang sa hindi na siya nakapagtinda.

Photo courtesy: John Albert Sanico

Kaya ang ginagawa niya, nangangalakal na lamang siya ng basura upang ipagbenta ito.

Nakaabot na raw ang kuwento ni Nanay Malou kay Manila City Mayor Honey Lacuna at nagpaabot na rin daw ng tulong sa kaniya.

Siya naman, personal niyang iniabot ang mga tulong na ibinigay sa kaniya ng concern netizens gaya ng cat at dog foods, vitamis, treats, at mga personal na pangangailangan din ni Nanay Malou.

Photo courtesy: John Albert Sanico

Photo courtesy: John Albert Sanico

Photo courtesy: John Albert Sanico

Photo courtesy: John Albert Sanico

Photo courtesy: John Albert Sanico

Photo courtesy: John Albert Sanico

Handa rin daw ipakapon ni Nanay Malou ang kaniyang mga alaga kung sakaling may tutulong sa kaniya.

Samantala, si Sanico naman ay isang call center agent at certified pet lover din kaya malapit ang puso niya sa pagtulong sa mga nagre-rescue ng stray cats at dogs, at nagsasagawa rin siya ng feeding program para sa kanila.