“You’re in pretty good shape for the shape that you’re in!”

Ibinahagi ng NASA ang vintage photo ng planetang Mercury na nakuhanan daw ng kanilang Mariner 10 noong 1974.

Sa larawan ng Mercury na ibinahagi ng NASA sa isang Instagram post, naka-highlight dito ang “craterous surface” ng planeta.

“The planet’s plentiful pockmarks are the result of run-ins with meteors, comets, and even asteroids early in Mercury’s life,” paliwanag ng NASA.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Some impact craters appear surrounded by a circular fan of rays. These ‘crater rays’ happen when a collision is so powerful that it throws planetary soil far from the impact site. The dust settles in lines, forming the straight streaks spanning the pit,” dagdag pa nito.

Karamihan daw sa naturang mga crater at marka sa surface ng Mercury ay ipinangalan sa mga “artist” tulad ng American author at cartoonist na si Dr. Seuss.