Inayudahan na ng pamahalaan ang mga Pinoy na hindi nakaalis sa airport ng Dubai matapos maapektuhan ng matinding pagbaha ang United Arab Emirates (UAE) kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Consul General Marford Angeles nitong Biyernes ng gabi at sinabing nagpasaklolo sa kanila ang 39 pasahero at mahigit sa 37 residente na patuloy na nananatili sa naturang paliparan.

National

Rep. Abante kung susuportahan 'impeachment' vs VP Sara: 'No comment muna'

“(The Migrant Workers’ Office) Dubai has prepared food packs and provided financial assistance to OFWs and other residents affected by the severe weather conditions,” ani Angeles.

“For its part, the Consulate is closely monitoring the status of stranded passengers at the airport, and checking on the welfare of those who require assistance," aniya.

Kabilang din sa tinulungan ng Philippine Consulate General ang 34 estudyanteng Pinoy na stranded sa nasabing paliparan.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na tatlong OFW ang nasawi sa nasabing pagbaha, kabilang ang dalawang babae na na-suffocate sa loob ng kanilang sasakyan.

Nahulog naman sa sinkhole ang sasakyan ng ikatlong nasawi sa nasabing pagbaha, ayon pa sa ulat ng DMW.

Matatandaang naranasan ang malawakang pagbaha sa UAE bunsod ng matinding pag-ulan nitong Abril 16.

PNA