Sa laki ng daigdig, hindi siguro nakakagulat kung isang araw sa ‘yong paglalakad ay makatagpo ka ng isang tao na kahawig mo. Pareho kayo korte ng katawan, ng tangos ng ilong, ng kapal o nipis ng labi, o kaya’y hugis ng mukha.
Ngayong araw, Abril 20, ay ipinagdiriwang ang National Look Alike Day. Ayon sa mga tala, nagsimula umano ito noong 1980s sa Pennsylvania.
Habang nasa Pittsburgh daw kasi ang feature television reporter na si Jack Etzel at ang photographer na si Rick Minutello para mghanap ng itatampok na kuwento, napansin ni Minutello ang isang lalaking kahawig ni Humphrey Bogart.
Para makabuo ng istorya, nilapitan nila ang lalaki at tinanong kung may nakapagsabi ba rito na may kamukha itong ibang tao. Ginawa rin nina Minutello at Etzel ang parehong bagay sa iba pang taong naroon sa kalye hanggang sa tuluyang silang nakabuo ng feature story base sa nasabing karanasan.
Kaya naman, bilang pakikiisa ng Balita sa pagdiriwang na ito, narito ang 12 Filipino celebrities na magkakamukha:
- MC Muah at Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Maraming netizens ang nakakapansin ng pagkakahawig nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at ng comedian, actor, vlogger, at TV host na si Melvin Enriquez Calaquian o mas kilala sa tawag na “MC Muah.”
Sa katunayan, sa Kick Off ng pelikulang “The Mall, The Merrier” noong Disyembre 2019, pabirong humirit si Vice kay MC.
“Suportahan mo [‘yong joke ko],” sabi ni MC.
“Bakit? Kandidato ka ba? Ay, oo! Bongbong Marcos!,” hirit naman ni Vice Ganda.
- Faith Da Silva at Pia Wurtzbach
Isa si GMA Sparkle artist Faith Da Silva sa mga papausbong na aktres sa kasalukuyan. Pero kahit nagsisimula pa lang, pambeauty queen na agad ang ganda niya dahil maraming nakakapansin sa pagkakahawig nila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sa isang Facebook reel na ibinahagi ni Faith kamakailan, tila namalikmata ang mga netizen dahil ang akala nilang tampok na artista sa video ay si Pia. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Thought it was Pia.”
“hawig kayo ni Ms. Pia W.”
“Looks like Pia Wurtzbach”
- John Lloyd Cruz at Joshua Garcia
Hindi lamang sa hitsura magkahawig sina Joshua Garcia at John Lloyd Cruz. Pareho rin silang mahusay umarte—mapa-pelikula man o teleserye.
Pero sa isang panayam ni Joshua, nagbigay siya ng reaksiyon sa mga nagsasabing siya umano ang susunod na John Lloyd Cruz ng kaniyang henerasyon.
“I’m honored na matawag bilang John Lloyd Cruz. And nakatulong din siya sa akin sa karera ko na tinatawag nila akong gano’n. Pero siyempre, ako, nandoon ako sa parang gusto ko ring i-prove na may sarili ako,” aniya.
- Alden Richards at Hero Angeles
Para sa mga kabataan ngayon, marahil ay hindi na nila kilala pa si Hero Angeles. Pero si Hero lang naman ang unang nanalo ng titulong “Grand Teen Questor” noong 2004 sa reality star search competition na Star Circle Quest. At sa pagputok ng pangalan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richrds, hindi naiwasang mapansin ng mga tao ang kanilang resemblance.
Sa katunayan, ayon sa kuwento ni Hero sa isang panayam niya sa Philippine Entertainment Portal, may isang pagkakataon daw na tinawag siyang “Alden” sa isang grocery.
- Thea Tolentino at Kate Valdez
Tila maituturing na Kapuso twin ang dalawang bida-kontrabida na sina Kate Valdez at Thea Tolentino. Parehong-pareho ang hulma ng kanilang mukha. Pati ang titig ng mga mata at ngiti sa mga labi.
Nang minsan silang maging mag-teammate sa “Hatawanan” sa Sunday Pinasaya noong 2019, lalo silang napagkamalang magkakambal. Narito ang sey ng ilang netizens:
“Thea and Kate has the same face so pretty! Love you both “
“Sobrang magkamukha sila. Akala ko nga iisa lang sila as a person.”
“True totoong magkahawig sila bagay na kambal sa palabas like Super Twins i hope magkasama sila sa isang Project na sila rin ang Bidang dalawa “
“Noon ko pa napapansin yun una kong nakita si kate sa enca kala ko si thea sya magkaiba pla may resemblance... i love both of them”
“magkamuhka tlga sila. pwede silang kambal or magkapatid sa show”
- Kathryn Bernardo at Nadine Lustre
May isang panahon daw na halos magkamukha sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo lalo na noong lumabas ang pelikulang “Diary ng Pangit” kung saan pumutok ang loveteam nina Nadine at James Reid.
Simula noon, nagsimula ang mahigpit na banggaan ng loveteam na kinabibilangan ng dalawang malalaking bituin ng kanilang panahon. In fact, sa isang panayam ni Kathryn, inamin niyang tila may awkwardness umano sa pagitan nilang dalawa.
“Kasi first of course, with the social media, the Twitter, the Instagram, parang nauunahan ng lahat ng tao bago pa kami mag-meet ‘di ba. So, ‘di pa nabe-break ‘yong awkwardness na ‘yon kasi ‘di pa kami formally nagme-meet,” saad ni Kathryn.
Pero ilang buwan makalipas ang naturang interview, sumunod namang kinapanayam si Nadine. At sa pagkakataon ‘yon ay nagkita na ang dalawa.
“It was really good, actually,” pahayag naman ni Nadine.
- Angel Locsin at Glaiza De Castro
Malaki raw ang pagkakahawig nina Angel Locsin at Glaiza De Castro sa isa’t isa lalo na noong kabataan nila. Sa isang video na inilabas ng PEP noong 2015 kung saan kumasa si Glaiza sa acting challenge, isa sa mga inarte niyang showbiz personality ay si Angel.
Kumalap naman ng mga positibong rekasiyon ang ginawang pag-arte ni Glaiza kay Angel. Narito ang ilan sa kanilang mgak komento:
“Ang cute ni Ate Glaiza as Angel Locsin Hahahahah.”
“Gusto ko yung portion na ito. parang kambal sila glaiza at angel”
“Bagay cla maging mgkapatid ni angel”
“Kapatid ni angel”
Matatandaang pareho silang nagmula bilang mga artista sa isang TV Network—ang GMA. Nagsimula ang karera ni Glaiza nang gumanap siya drama series na “Ikaw Lamang ang Mamahalin.” Samantala, si Angel naman ay gumanap muna bilang batang “Robina Gokongwei” sa pelikulang “Ping Lacson: Super Cop” bago tuluyang maging bahagi ng youth-oriented na “Click” ng GMA.
- Angel Locsin at Angeli Khang
Bukod kay Glaiza De Castro, nakakahawig din umano ni Angel ang Vivamax sexy actress na si Angeli Khang. In fact, ayon sa direktor na si McArthur Alejandre, naaalala umano niya si Angel sa sexy actress.
“May mga anggulo si Angeli na nagre-remind sa akin ni Angel. At marami siyang anggulo na, marami siyang anggulo na iba naman ang nare-remind niya sa akin. Maganda si Angeli, e. Iba ‘yong ine-exude niyang aura,” saad ng direktor.
- Bea Alonzo at Yamien Kurdi
Hindi maitatanggi ang malaking resemblance nina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi. Pwedeng sabihing ito ang dahilan kung bakit sila ang ginawang magkapatid sa Filipino adaptation ng patok na KDrama series na Start-Up PH.
Pero bago pa man naging magkatrabaho sa naturang proyekto, naging magkakaklase raw sina Bea at Yasmien noong high school bagama’t hindi raw sila personal na nagkikita.
“Nag-Angelicum kasi kaming dalawa. Magkaklase kami pero hindi kami nagkikita sa classroom. Sa Angelicum kasi, mayroon silang home study program. [...] Kasi hindi kami nagsu-swak ng schedules. Kasi ano ‘yon, e, at your own phase,” kuwento ni Yasmien.
Kaya ang unang pagkikita raw nila ni Bea ay nangyari noong pang nasa ABS-CBN siya way back before Star Struck.
“Nasa ABS ako noon. Kasi mayroon akong contest na sinalihan before. Tapos interschool competition siya. Kinuha nila from my school. [...] Tapos noong panahon na ‘yon, parang gine-guest-guest nila sa mga show sa ABS. Tapos noong time na ‘yon, ‘di pa ‘ata sila nala-launch,” sabi ni Yasmien.
- Suzi Abrera at Pekto Nacua
Tila pinagbiyak na bunga ang mukha nina Suzi Abrera at Pekto Nacua. Kuhang-kuha nila ang hiltsa at hulma ng hitsura ng bawat isa.
Kaya naman nang magsama ang dalawa sa isang episode ng Sunday PinaSaya noong 2017, talagang kapansin-pansin ang resemblance nila lalo pa’t nagsuot ng wig si Pekto at ginaya pa ang suot ni Suzi. Narito ang ilang komento ng netizens:
“Suzi and Pekto is twinning talaga.”
“Yeeeeeeees nga no”
“kuhang kuha ni pekto”
- Melai Cantiveros at Klarisse De Guzman
Bukod sa pareho silang grand winner sa reality competition na “Your Face Sounds Familiar,” pareho rin umano ang hulma ng mukha nina Melai Cantiveros at Klarisse De Guzman.
Sa isang episode ng morning talk show na “Magandang Buhay” noong 2021, sinubukan pang i-impersonate ni Klarisse si Melai.
Umani naman ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video clip. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"cant unsee haha magkamuka nga sila ni klarisse and melai"
"Medyo kamukha nga ni momshie Mels.."
"Melai &klarisse lng salakam"
"Mas mganda nmn si klarrise kay melai"
- Karen Delos Reyes at Morisette Amon
Kung naaalala mo pa ang nakakantig na patalastas ng McDonalds na pinaniniwalaang unang lumabas noong 2001, malamang ay nakikilala mo rin si Karen Delos Reyes. Siya kasi ang gumanap doon bilang paboritong apo ng lolo niyang pumapalya na ang memorya.
Pero alam mo bang may kahawig din siyang celebrity? Ito ay walang iba kundi ang Asia’s Phoenix na si Morisette Amon. Si Morisette ay dating sumali sa season 1 ng The Voice of the Philippines noong 2013. Kabilang siya sa mga nakasama sa Team Sarah at nakaabot hanggang semi-final