Isang appreciation post para kay First Lady Liza Araneta-Marcos ang ibinahagi ni Anthony Taberna, o kilala rin bilang Katunying, sa kabila ng batikos na natanggap umano nila matapos umere ang exclusive interview ng una.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Abril 20, ikinuwento ni Taberna kung paano nila naanyayahan sa isang panayam ang First Lady.

National

Liza Marcos sa mga Duterte, kritiko: ‘Bring it on. They become uglier and uglier’

Kwento ng mamamahayag, noong 2022 nag-request na siya na ma-interview si Araneta-Marcos, ilang beses na rin daw nagkaroon ng schedule pero hindi rin natutuloy dahil busy ito.

Hindi na rin daw siya masyadong umasa no’ng makatanggap ulit siya ng schedule noong nakaraang buwan. Pero no’ng Abril 12, matapos ang dalawang taon, natuloy ang interview.

“To her credit, she did not even ask for questions in advance. Kaya medyo malakas ang loob ko na magtanong lang [nang] magtanong and I wouldn't mind if she won't answer everything. But to my surprise, she practically responded to most if not all questions I asked. And the rest is history,” kwento nito.

Nagpasalamat si Taberna sa First Lady sa pagtitiwala sa kaniyang ma-interview.

“Salamat muli kay First Lady LAM for trusting me. I and my team felt that you were comfortable talking to me. [‘Yun] naman ang aming style. We always hope to ask even the most difficult questions without badgering and antagonizing our guests,” saad pa niya.

“Hindi naman lahat ay matutuwa sa inyong sagot at mga sinabi, Madame First Lady ngunit marami ang positibo naman ang komento. Ganun talaga. Even I get a big share of bashings and I don't mind them as I consider it part of ‘occupational hazard’.”

Nagpasalamat din si Katunying sa bumubuo ng exclusive interview.

Matatandaang umere ang exclusive interview ni Araneta-Marcos sa Facebook page ni Taberna nitong Biyernes, Abril 20, kung saan in-address niya ang mga isyung ipinupukol umano sa kaniya at asawa niyang si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

BASAHIN:

https://balita.net.ph/2024/04/19/fl-liza-araneta-marcos-di-raw-napipikon-sa-mga-batikos-maliban-kung/

https://balita.net.ph/2024/04/19/first-lady-liza-nag-react-sa-patutsada-ni-glenn-chong-na-nandaya-sila-nong-eleksyon/

https://balita.net.ph/2024/04/19/sass-sasot-rj-nieto-lumapit-daw-kay-fl-liza-marcos-dahil-sa-kasong-cyberlibel/

https://balita.net.ph/2024/04/19/fl-liza-mababait-daw-mga-anak-wala-pakong-narinig-na-may-binugbog-sila-o-may-tattoo-sila/

https://balita.net.ph/2024/04/19/vp-sara-bad-shot-na-kay-fl-liza-she-crossed-the-line/