Marami raw napagtanto ang mga netizen sa viral na Facebook post ng isang nagngangalang Vincent John Tuibeo, 24, ng Bacoor, Cavite, matapos niyang ipa-tattoo sa tagiliran ang alaala ng kaniyang pumanaw na ina noong 2010, dahil sa sakit na cancer.

Hindi mukha o pangalan nito ang ipinaburda niya sa kaniyang katawan kundi ang buong huling liham nito sa kaniya.

Tiniis ni Vincent ang hapdi at kirot ng paglalagay ng tattoo sa kaniyang balak para lamang maitatak nang permanente sa kaniyang balat ang huling mensahe ng kaniyang ina para sa kaniya.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Aminado si Vincent na kahit ilang dekada na ang nakalipas, nami-miss niya pa rin ang sumakabilang-buhay na ina.

Dahil sa viral post na ito, maraming na-realize ang mga netizen pagdating sa relasyon ng isang anak sa kanilang magulang.

Ayon sa nakararami, habang nabubuhay pa ang mga magulang, nararapat lamang na sabihin at iparamdam na sa kanila ang pagpapahalaga at pagmamahal.

"It is an understatement if we say that mother’s love is unconditional because more than anyone mothers are willing to go even to the extreme just to do everything for their children, God listens to mothers prayers more than anyone else because God knows that their prayers are not for themselves but for their children next to none, but always with a thankful and grateful heart praising God that she was able to raise her children well."

"So children, better show your love and affection while your mother is still alive and can still appreciate what you are doing."

"parang inay ko..may ilang sulat din saken na gang ngayon naitatabi ko pa.. buhay pa nanay ko..pero itinatago ko pa talaga yun kase sa panahon ngayon..bihira na ang sulat kamay na mula sa ating mga magulang."

"Grabe naiyak ako. Lumaki akong walang nanay at sobrang traumatic ng childhood ko. Kaya sana sa lahat ng may magulang pa, mahalin nyo, e respeto nyo, at wag kalimutan magpasalamat. Hindi lahat kasing swerte nyo."

"I didn’t realize that my tears started falling to my face while reading the message."

"Kaya aral ito na dapat, habang buhay at kasama pa natin sila, sabihin at ipadama na natin ang pagmamahal natin sa kanila, kasi hindi natin alam kung hanggang kailan sila mabubuhay sa daigdig na ito."

"Tumutulo ang luha ko habang binabasa ko ang letter. Kudos din sa artist, ang galing!"

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usapin ang tungkol sa obligasyon ba ng mga anak na alagaan ang kanilang mga magulang sa kanilang pagtanda, na umani ng iba't ibang diskusyunan at pagtatalo sa mga netizen.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa obligasyon ng anak sa magulang: ‘Mag-ipon ka para sa pagtanda mo’

MAKI-BALITA: Pag-aalaga sa tumatandang magulang, ‘normal’ at ‘natural duty’ sey ni John Arcilla

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!