Hinuli ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong katao at fishing vessel ng mga ito matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa bahagi ng Hilongos, Leyte kamakailan.

Sa report ng PCG, namataan ng mga tauhan nito at ng Fisheries Protection and Law Enforcement Group ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang F/V Rodjard habang nagsasagawa ng illegal, unreported, unregulated fishing (IUUF) activities sa karagatang bahagi ng Hilongos, Leyte nitong Abril 15.

Paliwanag ng Coast Guard, nangingisda sa lugar ang nasabing sasakyang pandagat sa kabila ng kawalan ng vessel monitoring system (VMS).

Ang VMS ay ginagamit upang masubaybayan ng PCG ang galaw ng mga fishing vessel sa karagatang bahagi ng Pilipinas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod dito, kinumpiska rin ng mga PCG at BFAR ang mga isdang hinuli ng pitong mangingisda.

Gayunman, pinakawalan din ng PCG ang mga mangingisda at ni-release na rin ang kanilang sasakyang pandagat matapos silang bigyan ng Certificate of Orderly Inspection (COI).